Walang permanenteng tagumpay, at wala ring permanenteng kabiguan. Pagkatapos ng aklasang EDSA, maraming nagising. Marami rin ang muling natulog. Hinarap ng marami ang bukas at ang iba nama’y tinalikuran ang nabawing dangal. Ang ikalimang tula, pagkatapos ilikas at iligtas ng U.S. ang pamilya ng mga Marcos at tuluyan nang bumagsak ang diktadura, ay kanta mula sa komposisyon ng gitaristang si Karina Constantino-David ng grupong #InangLaya, muhon ng mabuting pamamahala, aktibistang lider sa pagpapabagsak ng diktadura, guro, at peminista. #aPastRevisited