Taos-puso kaming nakikiramay sa pamilya ng makatang Marra PL. Lanot. “Hanggang sa kahit mayanig sa hiyaw / Ang ugat ng mga bulaklak, / Hinding-hindi kakalas / Ang hamog sa mga talulot” – mga salitang alay mula sa kanyang tula para sa pinaslang na botanistang Leonard Co. Paalam, Marra, paalam. Hinding-hindi mabibilang ang nagluluksa.