Pinangunahan ng Quezon City Tourism Department (QCTD) ang ribbon-cutting ceremony ngayong araw para sa nakatakdang pagbubukas ng Alas ng Bayan 2.0 Exhibit sa Tandang Sora Women’s Museum sa Quezon City.
Tampok sa exhibit ang mga comic-inspired na obra ni QC-based illustrator Billy Pangilinan, na muling nagbigay-buhay sa limang kababaihang lumaban para sa kalayaan, katarungan, at pagkakapantay-pantay na sina Gregoria de Jesus, Apolonia Catra, Remedios Gomez-Paraiso, Lorena Barros, at Gloria Capitan.
Layon nitong muling ipakilala ang tapang at diwa ng kababaihang Pilipino mula 19th century hanggang sa kasalukuyan. Ang exhibit ay handog ng Constantino Foundation at 350 Pilipinas, sa pangangasiwa ng curator na si Rio Constantino.
Dinaluhan ito nina QCTD Officer-in-Charge Giana Barata, Broadcast Journalist Karmina Constantino-Torres, mga descendant ng limang tampok na Pilipina, at iba pang kawani ng pamahalaang lungsod.
Bubuksan ito ng libre sa publiko simula October 16 hanggang November 23, 2025, 9:00 AM – 4:00 PM, Martes hanggang Linggo.





































