Isang tula kada araw bilang pagninilay-nilay sa ika-40 taong anibersaryo ng aklasang EDSA. Ang unang tula para sa unang araw ng pag-aaklas ay mula kay Jose F. Lacaba, dakilang manunulat, lubos na minamahal na makata, at makatang tinitingala ng Constantino Foundation. Pinili ang Bahaghari ni Lacaba bilang panimula sa serye ng mga berso ngayong linggo para ipaalala sa madla: lahat ng bangungot nagwawakas, bagamat sa buhay ng tao, wala ring nagtatagal na bahaghari, lalo na kung ang tao’y hindi handang kumilos para tiyaking hindi na makakabalik ang mga kawatan at mga malignong sanhi ng poot at pagluluksa ng taumbayan. #TulaParaSaEDSA40 #TheContinuingPast
Ang tulang Bahaghari ay mula sa koleksiyon ng mga tula ni Lacaba, ang 𝒮𝒶 𝒫𝒶𝓃𝒶𝒽𝑜𝓃 𝓃𝑔 𝐿𝒾𝑔𝒶𝓁𝒾𝑔 – 𝒯𝓊𝓁𝒶, 𝒜𝓌𝒾𝓉, 𝐻𝒶𝓁𝒶𝓌 (Anvil Publishing, 1991)