Magdiwang! Sa ika-80 anibersaryo ng kapanganakan ni Karina Constantino-David, handog namin ang ๐˜ผ๐™ก๐™š๐™ง๐™ฉ๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ang unang awit sa album na ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐˜ฝ: ๏ผ‘๏ผ˜๏ผ™๏ผ–-๏ผ‘๏ผ™๏ผ™๏ผ– ng kanyang grupo, ang ๐™„๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™–๐™ฎ๐™–, sa pakikipagtulungan sa grupong pinamunuan niya mula 1988 hanggang 1998, ang Harnessing Self Reliant Initiatives & Knowledge, o HASIK, Inc. Dugtong ang kaarawan ni Karina Constantino-David sa taong ito, ang ika-130 taong anibersaryo ng pagsiklab ng Himagsikang pinamunuan ng Katipunan na nagpatalsik sa kolonyalismo ng Espanya at naglayong makamtan ng sambayanan ang kaginhawaang pinaglaban ng Rebolusyon ng Filipinas. Ang boses sa kanta ay mula kay Becky Demetillo Abraham, matalik na kaibigan at katuwang ni Karina sa ๐™„๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™–๐™ฎ๐™– at HASIK.

Ayon sa ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐˜ฝ: โ€œSinasabing ang orihinal na musika nito ay isang awit ng mga Guwardiya Sibil. Noong 1896, nilapatan ng mga Katipunero ang musika ng sarili nilang titik at ginamit bilang martsa ng pagsulong at tagumpay, lalo na sa mga okasyong natatalo nila ang mga Kastila.โ€ Hindi tiyak kung sino ang sumulat ng musika at titik ng ๐˜ผ๐™ก๐™š๐™ง๐™ฉ๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ngunit tiyak ang aming pagpupugay sa buhay na inalay ni Karina Constantino-David para sa bayan. #PastsRevisited #InangLaya #AlertaKatipunan #DakilainAngHimagsikan #IpagbunyiAngKatipunan