Maligayang ligaya, Batang Katipunan at Ka Bobby! Ika-140 araw ng kapanganakan ng manunulat na si Antonio Kabigting Abad ngayong Agosto 13, at ika-92 kaarawan din ni Senador Wigberto Tañada. Muhon ng makabayang kilusan si Ka Bobby, sa lansangan at sa pamahalaan, at si Abad ay intelektwal na nagtapos sa Philippine School of Commerce – dating pangalan ng PUP, ang #SintangPaaralan – na nagsulat ng mga makasaysayang sanaysay, pati na ang talambuhay ng bayaning si Macario Sakay. Nagpapasalamat ang malilimuting bayan sa lahat ng inyong inambag at patuloy na inaalay para sa sambayanan.