Labinlimang taon na ang lumipas, ngunit nananatiling sariwa ang tanong: ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด-๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป?
 
Sa darating na Nobyembre 15, ginugunita ng UP Association of Biology Majors ang ika-15 na anibersaryo ng pagpaslang kay Dr. Leonard Legaspi Co at ang labinlimang taong laban ng kaniyang pamilya para sa hustiyang hanggang ngayon ay hindi pa naipagkakaloob.
Sa halos dalawang dekada, hindi masukat ang lawak ng ambag ni Dr. Leonard Co para sa larangan ng botanika sa ating bansa. Tinaguriang โ€œforemost ethnobotanistโ€ ng bansa, naitala niya ang higit-kumulang 10,000 uri ng halaman, bawat isaโ€™y kaniyang inilarawan sa 129 na pananaliksik. Kaniyang inilathala ang โ€œMedicinal Plants in the Cordillera Regionโ€ upang bigyang gabay ang mga pangkalusugang programa sa rehiyon. Pinangunahan niya rin ang pagtaguyod ng Philippine Native Plants Conservation Society na naglalayong payabungin ang kaalaman at pangangalaga sa mga katutubong halaman sa Pilipinas. Bilang pagpupugay sa kaniyang mga pagsisikap, ipinangalan sa kaniya ang pambansang digital library ng halamanโ€”ang Coโ€™s Digital Flora.
 
Si Co ay tunay na โ€œlarger-than-life figure,โ€ at tanging ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.
Sa kabila ng kaniyang mga parangal, ang kaniyang pagwakas ay ang kabaligtaran: ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ. Noong 2010, habang nagsasagawa ng pananaliksik sa Kanaga, Leyte, si Co at ang kaniyang grupo ay pinaulanan ng bala mula sa 19th Infantry Battalion ng Philippine Army. Dala lamang ay sampling bag at ang kaniyang dedikasyon sa paglilingkod sa agham ng Pilipinas, nasawi si Co at dalawa sa kaniyang mga kasama. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ต๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป.
 
Labinlimang taon matapos ang kaniyang pagpaslang, patuloy pa rin ang mga laban ng pamilya ni Leonard Co: ang laban upang mapangalagaan ang mga prinsipyong kinatawan niya, at ang laban upang makamit ang hustisyang ipinagkait sa kaniya. Hindi kailanman mabubura sa kasaysayan ang mga kontribusyon ni Leonard Co; ngunit hindi rin dapat limutin ang nakasusuklam na pagwakas sa kaniyang buhay dahil sa makinarya ng estado.
 
Ang buhay ni Leonard Co ay isang paalala: maging trahedya man ang kaniyang pagpanaw, ang kaniyang pagkatao ay salungat ng trahedya. Siya ay isang mapagmahal na amaโ€™t asawa, at ang kaniyang natatanging kahusayan bilang botanista ay patunay ng kaniyang walang kapantay na pagmamahal para sa kalikasan. Bilang parangal sa kaniyang alaala, tungkulin nating hindi lamang ipagmalaki ang kaniyang mga kontribusyon, kundi ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ปโ€”๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ, ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฒ๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฑ๐—ฒ๐—ณ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป.
 
Ngayong Sabado, Nobyembre 15, magsasagawa ang pamilya ni Leonard Co ng mga programa bilang paggunita sa kaniyang death anniversary tulad ng pagpapahayag ng mga update sa paglilitis ng kaniyang kaso at ang paglabas ng mga bago at nailigtas na mga larawan ni Leonard Co. Narito ang iskedyul ng mga kaganapan at Facebook post para sa iba pang mga detalye.
 
Leonard Co 15th Death Anniversary
8:00 – 11:00 AM | Tree Walk (DITA Tree sa tabi ng NSRI)
11:00 AM – 12:00 PM | Mass
1:00 – 3:00 PM | Press Conference (Room 203, Institute of Biology, UPD)
Lubos naming hinihikayat na makilahok ngayong Sabado bilang pakikiisa sa ating minamahal na environmentalist at sa kanyang pamilya.
Statement Writer: Riley Moya
Statement Reviewer/s: Leica Cecilia, Tamara Lorreine Santos
Pub by: Brandon Borac