Spotlight

Alas Ng Bayan 2.0 opens at UP Manila.

Alas ng Bayan 2.0 continues its run at the UP Manila Museum of a History of Ideas in celebration of National Women’s Month. Through the visual language of komiks, the exhibit reimagines five Filipina heroines—Gregoria “Oriang” de Jesus, Apolonia Catra, Remedios Gomez-Paraiso “Kumander Liwayway,” Ma. Lorena Barros, and Gloria Capitan—highlighting the enduring relevance of their courage, resistance, and commitment to the nation.

This engagement at UP Manila is made possible in partnership with the UP Center for Gender and Women’s Studies and UP-MoAHi.

???? UP Manila – Museum of a History of Ideas

???? March 10–21

???? Free admission for women and students

#AlasNgBayan2

(Photos from University of the Philippines Manila Facebook Page) Read Original Story Here

2026-03-15T12:46:58+08:00March 13, 2026|

#ALASNGBAYAN2 is now open at the UP Manila Museum of A History of Ideas!

We thank UP MOAHI for hosting this exhibit, which traces the unbroken line of Filipina heroism from the nineteenth century to the present through the visual language of komiks. By situating these narratives within an academic space, the exhibit invites sustained engagement with questions of gender, resistance, and historical memory.
???? UP Manila – Museum of a History of Ideas
???? March 10–21
[READ]
2026-03-15T12:49:02+08:00March 13, 2026|

Kasama sa Kalsada – Karina Constantino-David

Walang permanenteng tagumpay, at wala ring permanenteng kabiguan. Pagkatapos ng aklasang EDSA, maraming nagising. Marami rin ang muling natulog. Hinarap ng marami ang bukas at ang iba nama’y tinalikuran ang nabawing dangal. Ang ikalimang tula, pagkatapos ilikas at iligtas ng U.S. ang pamilya ng mga Marcos at tuluyan nang bumagsak ang diktadura, ay kanta mula sa komposisyon ng gitaristang si Karina Constantino-David ng grupong #InangLaya, muhon ng mabuting pamamahala, aktibistang lider sa pagpapabagsak ng diktadura, guro, at peminista. [READ]

2026-03-02T13:41:05+08:00February 26, 2026|

Pagkatapos ng Rebolusyon ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Pagkatapos ng rebolusyon, hindi natapos ang rebolusyon. Pang-apat na tula sa ikaapat na araw ng EDSA, serye ng berso para sa EDSA-40, mula sa sinulat ni Ruth Elynia S. Mabanglo, dakilang makata ng bayan na, tulad ni Lacaba, Popa, at Sunico, hinahangaan ng Constantino Foundation. 

Pagkatapos ng Rebolusyon

Ruth Elynia S. Mabanglo

Walang nagbago, walang nag-iba

Sa lakad at pakay ng mga nilikha.

Naroon pa rin sa kanto ang Santol

Ang batang magsasampagita,

Inilalako ang puri at kamusmusang

Tumanda na.

Banilin pa rin ang magdidiyaryong

Kamatayang sumasabit sa mga estribo.

Sa Impong Sela, nakikipamista pa rin,

Nagrosaryo sa Edsa, natulog, kumain,

Sumilong siya noon sa tangkeng pumarada,

[READ]

2026-02-25T10:24:02+08:00February 25, 2026|

Panalangin ng Punyal ni Ramon C. Sunico

Kapag nabasa mo itong sinulat ni Ramon C. Sunico, maiisip mong para sa kasalukuyan ang ikaapat na tula sa serye para sa EDSA40. Totoo, parang mas kailangan natin itong dasal ngayon: Nag-uumapaw ang ngitngit sa mga kawatan. Namumuo ang mga kamao at dumadalas nang naghahanap ng patalim para matigil ang pangungulimbat ng mga dorobo. Nakakayamot din ang maraming nagkikibit-balikat sa harap ng garapalang pagnanakaw.
Noong 1986, patong-patong na ang galit ng taumbayan sa diktadura dahil sa lumalawak na kahirapan sa gitna ng pangangamkam ng iilan. Abusado ang pamamahalaang bano habang ninanakawan ang kaban ng bayan. Utak alipores naman ang mga opisyal na sunod-sunuran sa mga dayuhang tinuturing nilang amo.
Nangailangan ng matinding disiplina ang marami sa mamamayang nagpunta sa EDSA: alam nilang hindi dapat gamitan ng dahas ang pabagsak na gobierno [READ]
2026-02-25T10:32:18+08:00February 24, 2026|

State of the Nation ni Allan Popa

Ikalawang tula mula kay Allan Popa sa isang linggong serye ng berso bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng aklasang EDSA. Nagsimula nang dumagsa ang mamamayan. Tanging armas na bitbit – tapang, galit, dasal, at pag-ibig sa tinubuang bayan.
Malaki ang utang na loob ng bayan sa mga makatang tulad ni Popa, na patuloy na nag-aalay ng kanilang panula sa mga bagay na karaniwan na mangangailangan ng maraming pahina ng sanaysay para lang maipinta ang saloobin ng taumbayan. Kasama man ang ???????????????????? ???????? ???????????? ℕ???????????????????? sa koleksyong ???????????? ???????????????????????????? ???????????????? ???????????????????????????? na nilimbag noong 2022 ng Aklat Ulagad, sapul na sapul ng makata ang pagkabalisa ng mamamayang nilalagnat – noong 1986, at ngayon.
Hinihikayat namin ang mga mambabasa na suportahan ang napakagandang literacy program ni Allan, ang Kulaybrary sa Catanduanes. Ito po [READ]
2026-02-25T10:29:40+08:00February 23, 2026|

Bahaghari ni Jose F. Lacaba

Isang tula kada araw bilang pagninilay-nilay sa ika-40 taong anibersaryo ng aklasang EDSA. Ang unang tula para sa unang araw ng pag-aaklas ay mula kay Jose F. Lacaba, dakilang manunulat, lubos na minamahal na makata, at makatang tinitingala ng Constantino Foundation. Pinili ang Bahaghari ni Lacaba bilang panimula sa serye ng mga berso ngayong linggo para ipaalala sa madla: lahat ng bangungot nagwawakas, bagamat sa buhay ng tao, wala ring nagtatagal na bahaghari, lalo na kung ang tao’y hindi handang kumilos para tiyaking hindi na makakabalik ang mga kawatan at mga malignong sanhi [READ]
2026-02-25T10:28:08+08:00February 22, 2026|

We’re in this month’s Enrich Magazine of Mercury Drugstore!

Hooray! We hosted the lovely Batch 68 of St. Theresa’s High School in October 2024, and one of the participants (thank you, Eve Angcanan!) wrote an essay about the exchanges. The Foundation certainly had a great time, one made memorable because of a particular quality that stood out among the women of Batch 68 – all of them were so mighty curious.
The high level of curiosity displayed by Batch 68 is remarkable, a quality we hope Filipinos will emulate. Older, or younger, curiosity ensures a sense of discovery is constant in our lives, which is enriching but also liberating, especially when it merges with interest in history, our common past, and our common need to overcome challenges that lie ahead.
Get yourself a copy of the magazine, available [READ]
2026-02-11T15:59:27+08:00February 11, 2026|
Go to Top