Mga Liham ni Letizia
Ni John Iremil Teodoro
GUSTO kong magsulat muli ng mga liham—sulat-kamay sa papel—kagaya ng ginagawa ko noong nasa kolehiyo ako, noong madalang pa ang kompiyuter, at ang cellphone ay pinag-uusapan pa lamang na para bang nasa malayong hinaharap pa ito mangyayari. Ito ang nararamdaman ko kahapon, Setyembre 8, habang pinapanood ko ang exhibit na “Letizia: A Life in Letters” sa Linangan Museum ng Constantino Foundation sa Panay Avenue, Lungsod Quezon.
Noong nakaraang linggo kasi ay nakita sa ilang Facebook post na inilunsad ang 50th year special edition ng librong The Philippines: A Past Revisited ni Renato Constantino ng Constantino Foundation. Hardbound edition pa ito at bilang isang hardbound book addict, hindi ako mapakali hanggat magkaroon ako ng kopya nito. Agad akong nag-message kay Red Constantino, ang managing director ng Constantino Foundation, na pupunta ako sa Linangan Gallery nila sa Panay Avenue sa Quezon City sa darating na Lunes upang bumili ng kopya [READ]


