PAGBABALIK TANAW SA MAKASAYSAYANG “BATTLE OF PINAGLABANAN” – PILIPINO Mirror
September 6, 2025 | PILIPINO Mirror |Riza Zuñiga | Book signing sa Museo El Deposito sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan. Kuha ni Riza Zuñiga
Ginunita ang “Battle of Pinaglabanan” sa Museo El Deposito sa siyudad ng San Juan, 129 taon na ang nakararaan.
Malugod na ibinahagi ni Mayor Francis Zamora ang paglilipat ng mahahalagang monumento sa Pinaglabanan. Hinimok niya ang mga nagsidalo na bisitahin ang Museo ng Katipunan, Museo El Deposito at ang tunnel system, na itinatag noong 1880 na nagsilbing imbakan ng tubig para sa Kamaynilaan.
Ang pinakasentro sa Pinaglabanan Shrine ay ang “Spirit of Pinaglabanan” nilikha ng eskultor na si Eduardo Castrillo, na kung saan tampok ang magigiting na Pilipinong lumaban sa mga Kastila, sa pamumuno ni Andres Bonifacio, kasama ang mga [READ]


