Panalangin ng Punyal ni Ramon C. Sunico
Kapag nabasa mo itong sinulat ni Ramon C. Sunico, maiisip mong para sa kasalukuyan ang ikaapat na tula sa serye para sa EDSA40. Totoo, parang mas kailangan natin itong dasal ngayon: Nag-uumapaw ang ngitngit sa mga kawatan. Namumuo ang mga kamao at dumadalas nang naghahanap ng patalim para matigil ang pangungulimbat ng mga dorobo. Nakakayamot din ang maraming nagkikibit-balikat sa harap ng garapalang pagnanakaw.
Noong 1986, patong-patong na ang galit ng taumbayan sa diktadura dahil sa lumalawak na kahirapan sa gitna ng pangangamkam ng iilan. Abusado ang pamamahalaang bano habang ninanakawan ang kaban ng bayan. Utak alipores naman ang mga opisyal na sunod-sunuran sa mga dayuhang tinuturing nilang amo.
Nangailangan ng matinding disiplina ang marami sa mamamayang nagpunta sa EDSA: alam nilang hindi dapat gamitan ng dahas ang pabagsak na gobierno [READ]

[READ]
